summer day

Pagbukas mo ng ref, walang malamig na tubig. Wala ring yelo. Maya’t maya kasing inom ng inom, hindi makahabol ang ref sa lakas nyo uminom ng tubig at juice.

May tao sa labas. Ah, yung nagde-deliver ng tubig na ino-order mo sa Pure Canadian Water. Bakit Canadian samantalang nasa Pilipinas kayo, hindi mo alam, basta sila ang pinakamalapit na nagbe-benta ng drinking water sa bahay mo.

Nagbayad ka ng buo, pero wala siyang panukli. Di bale kamo, tiyak namang magkikita kayo sa makalawa dahil o-order ka uli ng tubig. Ibawas na lang.

Pag-alis niya, bubuksan mo ang motor ng tubig para maipunan na ang inyong Best Tank. Bobombahan mo ang iyong inflatable pool,at iipunan din ng tubig, siguro mga kalahating dram. Tiyak na maglulublob na naman ang mga bata. Araw-araw na lang silang nandyan, pero hindi sila nagsasawa.

Actually, gusto mo rin sanang magbabad sa pool nila, kaso di ka kakasya. Di bale, sa Linggo, magi-ipon ka naman ng tubig para doon sa isa nyong pool, mga apat na dram ng tubig ang capacity ayon sa manual. Sa ngayon, mag-imagine ka na lang muna na magda-dive ka sa swimming pool na punong-puno ng crushed ice habang naglalaro na ang mga bata.

Naalala mong lumalago na ang damo sa harapan ng bahay mo. Pati ang mga halaman dahil hindi mo nati-trim ay malapit na magmukhang damo. Sa totoo lang, hindi mo maisip kung kelan mo aasikasuhin ang garden mo, samantalang minsan mong nasabi na hilig mo ang mga halaman. Kelan ba ang tag-ulan, sabay sulyap sa kalendaryo ng iyong cellphne. Para nga naman madaling bunutin ang damo.

Malapit na ang tanghalian, pero tinatamad kang magluto dahil pakiramdam mo pati ikaw ay maluluto. Pa-deliver na lang, sagot ng asawa mo. Tumawag ka sa Jollibee 87000, pero tatlumpung minuto ka na duma-dial puro “The number you dialed is busy at the moment” ang sagot sa iyo. Nagbukas ka na lang ng de-lata.

Bago kumain, inutusan mo ang asawa mong bumili ng Coke sa tindahan, love ka naman niya kaya siya na lang lumabas ng bahay. Pagbalik niya, wala na raw Coke. Sa apat na tindahan.

Pagkatapos mananghalian, magkukulong na kayo sa kwarto dahil sa kwarto nyo lang may aircon. Naglitanya na naman ang asawa mo na gusto na talaga niyang mag-install na rin ng aircon sa sala, ikaw lang ang matigas ang tanggi dahil tiyak na bubulusok ang meralco bill ninyo. Pero ngayong halos isang buwan na kayong nakatira sa silid, parang gusto mo nang bigyan ng approved by signature ang mga plano niya.

Bago isara ang pinto may dala ka nang pagkain, magazine, dvd at wag kalilimutan ang extension ng telepono dahil ayaw mo nang lumabas. Habang nagsi-siyesta ang mag-aama ay nire-ready mo ang budget mo. Kelangan mong dagdagan ang kalimitang budget sa kuryente at tubig, hindi libre ang pang-aircon at pang-swimming ninyo.

Bandang hapon naalala mong kelangan mo nga palang mag-grocery dahil wala nang laman ang ref mo kundi tubig. Ilang beses mo kasing kinansela ang pamimili mo nitong nakaraang araw dahil iniisip mo pa lang na lalabas ka ng kotse sa parking lot na walang bubong ay nanlulumo ka na. Pero ngayon, wala ka nang choice. Di bale, mukhang excited naman ang mga bata, wala sa kanila ang init-init na yan basta layasan.

Pagdating mo sa mall, nagkalat ang mga babaeng nakasuot ng mga t-shirt na walang manggas at mga mini-skirts at hot pants. Kahit may ibang hindi carry, naiintindihan mo. Sa lagay ng panahon ngayon ok nga lang siguro na wag na munang isipin kung bagay ba o hindi ang magpakita ng katawan.

Pagpasok mo sa grocery…. ano?! Wala ng Nestea Iced Tea Lemon? Ang natira na lang Calamansi at Dalandan, hindi mo naman gusto yan. Yung Lipton Iced Tea na lang, Lemon din naman. Bibilisan mo ang pagkuha kasi kokonti na lang rin. Unahin mo na ang pagbili ng ice cream, malamang paubos na rin.

Inabutan na kayo ng hapunan, pero ang gusto mong kainin ay hindi kanin at ulam kundi halo-halo sa Digman. Nagda-dalawang isip ka pa kasi hindi ba, bad example yan sa mga bata. Buti na lang walang kamatayang manok ang gusto nila, di na nila pinakialaman ang halo-halo mo. At large rootbeer.

Madilim na paglabas mo ng mall, pero ang hanging sumalubong sa iyo ay parang galing sa kalan. Bigla mong na-miss ang malamig na mall. Nagmamadali kayong pumasok ng kotse at in-on ang aircon.

Pagdating na pagdating mo ng bahay, diretso ng banyo para maligo, na naman. Wala kang pakelam sa pasma, o sa banta ng sipon at ubo. On agad ang aircon sa kwarto, para kahit anong likot ng mga bata mabango pa rin sila.

Pero isasarado mo na ang ilaw, kelangan nyo nang magpahinga, dahil mainit na naman bukas.

25 Comments

  1. Jho:

    Summer na talaga! Kahit ako, mas gusto ko sa loob ng aking kuwarto kapag walang pasok sa opisina dahil yun din lang ang lugar na may aircon…

    correct ka diyan! wala na ngang Nestea Lemon Iced Tea sa supermarket. Nakakfrustrate!

    lady cess
    : meron namang orange juice, pero bakit nga ba iced tea ang laging nauubos? :D

    [Reply]

  2. cat:

    hello, bloghop here

    yep, the scorching summer is really here. Last time lumabas ako around 12pm, after 30minutes lang, sumakit na ulo ko!
    Iba talaga ang effect ng summer!

    lady cess: hi cat! yikes, 12 nn kainitan nga ng araw yan. kawawa ka naman. stay indoors if possible at that time.

    [Reply]

  3. malaya:

    Hmmm, kahapon ang hottest day sa Pinas 36.8 degree Celcius inabot ang temperatura. Sobra ang init kahit dito sa opis 2 aircons na ang open at 2 electric fan hindi pa rin satisfactory ang lamig.
    Puwede ko bang kunin e-mail mo, para dun ko na lang ipadala ang chismis? Hehehe

    ladycess: e, april pa lang! naku, ano kaya ang temperatura ang sasalubong sa atin sa mayo.

    [Reply]

  4. maiylah:

    grabe nga init kahapon …!
    wala kaming aircon sa house (could you believe that? hehehe, but it’s true) so pinagtatyagaan talaga namin tong electric fan namin. hahaha …
    re: dun sa splash post ko, sa clearwater country club yun. sa clarkfield. :)
    ladycess: palagay ko, well-ventilated ang bahay ninyo, kaya ok langkahit wala kasi tuloy-tuloy lang ang hangin. sa parents ko rin, wala ring aircon. mataas (pala) ang lokasyon ng bayan nila, so malamig ang simoy ng hangin. marami ding bintana.

    [Reply]

  5. Era:

    hi cess! gusto ko ang pagkasulat mo, ramdam mo talaga ang spirit of summer kahit nagbabasa ka lang!

    buti na lang tapos na summer dto. medyo malamig na sa araw.

    magpa-aircon ka na sa sala, summer lang naman gagamitin yan. :D
    ladycess : salamat era! hassle kasi ang pagpapagawa dito - alikabok, bato, semento, graba - feeling ko hindi worth it, ang init pa naman. pag hindi na siguro summer.

    [Reply]

  6. iskoo:

    damang dama ko ang init ng pilipinas sa post mo, teka nga mapagbabad muna sa pool, este sa banyo pala! hehe

    ladycess: hahaha! salamat iskoo!

    [Reply]

  7. watson:

    electric fan lang ginagamit ko sa kwarto at ok naman dati. Ngayon, nagigising ako ng 4 or 5 AM, yung oras na sana ay pinakamasarap kong tulog. Pinipilit ko nalang matulog ulit. Tuloy, sa opis inaantok ako pag tanghali. Sobrang taas ng bill kapag nag-aircon ako… wala nang naiiwan sa allowance ko as it is… so tyaga muna ako.

    ladycess
    : haha!oo nga, tiyaga na lang muna, kesa naka-aircon nga pero wala nang allowance :)

    [Reply]

  8. ann:

    Naaliw ako sa post mo promise…hehehe. Lika dito ka na lang sa amin para di ka na magluto, 24 hrs din mga aircon namin dito at sa bathroom lang walang aircon dahil mahirap kayang maligo ng malamig…hehehe.

    May kulang sa kwento mo. Durugtungan ko ha? “Pagkasarado ng ilaw, kahit mainit ang panahon ay nakayakap pa rin si fafa R pero di ka nagrereklamo sa init…hahaha.”

    ladycess: HAHAHA! (yung hagalpak na dinig sa kapitbahay at hawak ko ang tiyan ko).

    [Reply]

  9. annamanila:

    Napakaganda at kaaliw-aliw na bloga. (bloga?) Sobra mong nakana (bullseye) ang halimuyak ng taginit. Binasa ko mula umpisang pagbukas mo ng ref hanggang sa huling pagsara mo ng ilaw. Wala na yata akong maidagdag. Kaya, dyan ka na lang muna, Cess, at bibili na ako ng aircon. Di ko na kaya. Bahala nang pagisipan ang pambayad sa Meralco.

    Galing nito talaga.

    ladycess : (blush ako!) salamat! coming frm you, my gosh, compliment to the highest level! –hindi ko rin alam ang tagalog ng blog :)

    [Reply]

  10. rHo:

    ang iniiiittttt ng post!! feel na feel ko ate… haynaku naman talaga! malapit na namang mag-mayo eh! hintayin mo na lang yung unang ulan nito! haaaay saraaaap!

    pero alam mo, dito sa amin malamig pa rin ang hangin! ewan ko ba kung bakit, pero tama na lang din ‘to keysa naman matupok ako!

    ladycess: ang balita ko dyan sa lugar mo, yung pinakamainit dyan ay naka-jacket pa rin kayo. hay.. ang sarap-sarap yata non!

    [Reply]

  11. Malou:

    Summer na summer na talaga, sa amin dito bigla uminit sa amin ng isang linggo at ngayon naman hindi nagpakita si araw kayat medyo jacket namn kami ulit, medyo maginaw ulit sa amin………
    dito pag-sobra init ang mga tao. reklamo, dahil sobrang init daw, pag lumamig naman, ayan na naman reklamo naman ulit dahil maginaw, pag umulan naku!!! lagi nalang ulan ng ulan, pag hindi naman umulan, naku kailan kaya uli uulan? kayat dito pag-pinansin yong mga reklamo nila maluluka ka talaga

    bakit lagi ice tea ang lagi nauubos kasi masarap, ang kaso lang dami sugar eh, hindi ako inom dyan,tubig lang ako, ang hubby ko ang mahilig uminom dyan…….. swimming nalang gawin nyo dyan Cess hehehhehehe

    ladycess : hahaha! hindi mo talaga maintindihan ang tao no, pag umuulan gusto araw. pag umaaraw, gusto ulan. –mas healthy naman talaga ang tubig lang. ewan ko nga din bakit iced tea ang laging nauubos sa grocery. sa ilang taon na ako ang namimili sa grocery, asahan mo pag summer ubos lagi ang iced tea.

    [Reply]

  12. sassy mom:

    Hi, lady cess!

    I got here thru annamanila…

    Galing mo sumulat, sobrang feel ko… SAHM din ako kaya sobrang nakakarelate ako sa mga sinasabi mo.

    At tama ka, ang hangin sa labas parang galing sa kalan. Hay, ang mga bata lagi gusto sa mall… gusto ko din kaya lang kawawa naman ang bulsa kung araw-araw, di ba?

    Naku, mahaba-haba ang tag-init, maraming galong pawis pa ang tatagaktak sa atin. Kumusta naman, ang “baskil” (basang kilikili) — ang anti-perspirant– walang epek! Ok lang, basta walang amoy! (HAHAHA!)

    Sige, babad ka lang sa swimming pool!

    ladycess: hi sassy mom! salamat ha! hehe, ngayon ko lang nalaman yang baskil :)

    [Reply]

  13. dangkin:

    galeng nito, cess! ganda ng pagkasulat! naaliw ako masyado! ha.ha.ha.

    nway, dito din mainit, pero malakas naman ang hangin, kaya ang mga tao’y naka jacket pa rin..

    fill-up your big swimming pool nlang then i-open mo sa public at kung sino ang gustong magbabad, dapat magbayad para may pambayad ka rin sa tubig! he.he.he. :)
    ladycess:
    salamat dangkin! haha, pwede ha, i-negosyo ko na lang yung pool ko.

    [Reply]

  14. Pipay:

    Feel ko tuloy imaginin ang parang pang comemrcial na paghagod ng malamig na bote ng Coke sa leeg, ahhhhh! ehehehe. Oo nga, a year ago jan din kme nag summer. Halos umiyak ang biyenan ko sa bill ng kuryente dahil maghapon-magdamag ang aircon. Yun nga lang lahat sila nakasiksik din sa amin dahil yung kwarto lang namin ang meron.

    Kaya nagpapapayat na rin talaga ako, dahil next summer kahit hindi ko rin carry, mag mimini skirt at sando rin ako! nyehehehe!

    ladycess: wow next summer na ba? antay ko yan ha ;)

    [Reply]

  15. marj:

    Sobra ang init talaga. The only reason I go to our store is para dun magpa-aircon. Yun nga lang, once there I have to work daw. Pero at least di ako nai-initan. Sarap talaga ng halo-halo these days. So refreshing. My other alternative is Zagu :)
    ladycess : ah yes, zagu! umo-order ako with extra sago :)

    [Reply]

  16. cat:

    hi Lady Cess, thanks for the visit and for the nice comment

    I’ll link you as well:)

    [Reply]

  17. mousey:

    ang galing ng post mo! ganyan din kainit nung summer uwi ko last year. tapos pagbalik ko dito biglang malamig yun nakasakit ako tuloy.

    ladycess : salamat mousey! wawa ka naman, extremes ang pinagdaanan ng katawan mo. di bale, nag-enjoy ka naman dito :D

    [Reply]

  18. annamanila:

    Di pa ako nakabili ng ACU. Bukas — promise. I won’t chamge my mind na (tagaktak pawis). Bzt! Tell me, Cess, we go through oppressive summer year in and year out. Bakit hindi tayo masanay?

    ladycess
    : haha! o, nakabili na ba? :D hmm.. ako… because the heat feels like it will go on forever? kaya kahit alam kong ilang buwan lang yan, cant help focusing on the here and now, and that is tagaktak na rin ang pawis ko kahit bagong ligo naman ako :D harhar!

    [Reply]

  19. tekla:

    super duper sa over talaga ang init cess…. sa mall na lang kami nagtatambay para libre lamig hehehe with videoke pa. yun nga lang dami kapansin pansin sa mall na nakadadag ng pagkabanas nyahaha

    natawa ako sa comment ni ann (*_^)

    ladycess : oo nga, pero pag napapatagal ang tambay sa mall, napapalaki din ang gastos, harhar! oo nga, naloka ako dito kay ann :D e, wala na, hindi na rated gp pag dinagdag ko ang sinabi niya, hahaha!

    [Reply]

  20. Rach:

    Grabe ang init ngayong summer. Oo nga, ang bilis maubos ng tubig namin ngayon. Panay tuloy ang order ko ng purified water sa suki namin.

    Nini-nerbiyos na nga ako sa kuryente namin ngayon kasi panay ang aircon namin. Mabuti nalang at malamig pag madaling araw kaya bumabangon ako para matayin ang aircon. Baka kasi ma “heat stroke” ako pagdating ng bill. ha! ha!

    Kahit nga si bruno, yung aso namin naiinitin ng sobra kaya everyday nilalagyan ko ng ice yung water bowl nya. Yung lovebirds din namin panay ang swimming sa water bowl nila kaya parating pinapalitan ng maid namin kasi madumi agad.

    ladycess : hahaha! pare-pareho pala tayong may tendency magka-”heat stroke.” hahaha! (love this punchline!) wawa nga rina ng pets, magkakasakit sila, pero sila totoong heat stroke, haha!

    [Reply]

  21. Tappy:

    Masaya rin siguro na gumawa ka ng buko ice candy para may iba pang malamig na makakain habang tag-init.

    Mabuhay ka!

    ladycess: masarap nga ang buko ice candy, or ice cany of any flavor! thanks for the tip! *hugs*

    [Reply]

  22. RAZZ:

    hay napakainit nga.. dati rati ang lamig ng aircon dito sa office, ngayon kahit naka full na parang hindi ako nalalamigan.. bagong bili naman ito kaya malamang hindi pa sira..

    kaya iwas labas muna ako para magfield, dahil sobrang init, masusunog ka talaga sa labas.. pag nagfifield pa naman kami, as in field, greenfield, direct sa balat ang sinag ng araw… stay at the office muna..hehehehehehe.

    [Reply]

  23. lazarus:

    next week mag negosyo ako ng ice candy. sobrang init ng panahon. i’ll let my nephew sell it. We’ll start with mango flavor siguro.

    [Reply]

  24. sexy mom:

    basta - ayaw ko ng summer!!! mas ok sa akin ang umulan…lapit na, few weeks na lang.

    [Reply]

  25. Rowena:

    hi lady cess, grabe your story, lang pinag iba sa situation dito sa house namin. para din kaming prisoner sa room. lang labasan talaga. i just asked our maid to bring the food here (poor her, sya nag akyat baba). di namin kaya ang init..all my kids have skin asthma. mainitan lang konti, puro rashes na sa katawan. hirap talaga ng summer. kaya nga i always silently murmur a prayer na sana umulan kahit 20 minutes lang everyday. kawawa din mga plants…katakot din ma heat stroke..

    [Reply]

Leave a comment