clothes
I went to SM EDSA last weekend, and I was pleasantly surprised to find out that there was a 3-day sale.
Bumili lang ako ng mga damit-pambahay para sa mga bata. And then a thought occurred to me - I wish I know how to sew. Then I wouldn’t have to buy these clothes with prices I find ridiculous, at gagamitin lang naman sa bahay.
I’ve been wanting to learn sewing. Many years ago, I had an officemate (and she was only in her 20s) whose pretty blouses she almost always made herself. Yung mga usong short-sleeved floral polo noon, titingnan lang niya sa isang boutique, tapos bibili na siya ng tela at gagayahin na lang niya sa bahay. Voila! A beautiful original polo. Mura pa.
Kaya madalas akong nangangarap, na ako ang nanahi ng pambahay ng mga anak ko, uniforms, costumes, and maybe even my own blouses.
Kaya nung may tinitingnan akong blouse, I couldn’t help studying the pattern and the stitch - and it was all just straight stitch, that much I know. Mukhang ang dali-dali lang gawin, pero ang presyo niya, equivalent to how many kilos of prime beef. (Pero, hehehe, binili ko pa rin. Less 10% e. Saka by the time I know how to sew wala na yung blouse.)
My mom has a Singer sewing machine with 60 stitches which she bought 4 years ago, but I doubt if she’ll give it to me. Pero dati nang marunong manahi ang Mama. She sewed her school uniforms - by hand. Pero namulat na ako na meron kaming de-pedal na makina sa bahay, yung tinuturing nang antigo sa ngayon. Nung bata pa kami ang mga uniform namin sa school siya ang gumagawa. Mga damit panglakad. Kurtina sa bahay.
I read in an article that sewing is becoming a “lost art.” Naabutan ko pa yung panahon na ang mga batang babae ay tinuturuan ng sewing, stitching, cross stitch at embroidery. Pero sa panahon ngayon, where everyone wants everything fast and convenient, bihira na raw ang babaeng marunong manahi. Lalo na raw ang marunong mag-embroidery. If I’m not mistaken very few schools teach these things by now. Bakit ka pa nga naman mananahi ng blouse when you can get one hassle-free from a store?
I think one sure sign that sewing is indeed becoming a lost art is the lack of sewing machines being sold in malls. My mom bought hers in an SM branch. I went to the same store recently because I really want to purchase my own, and the salesclerk was like, flabbergasted when I asked for a sewing machine, wala raw sila non. In SM North EDSA, they only carry the brand Brother, and as per my web search, it’s not a good brand. Paano ka namang gaganahang matuto manahi kung dadayo ka pa sa malayong lugar para lang bumili ng sewing machine? And we haven’t even tackled warranty and after-sales service.

yorokobee:
hehehe dinadayo pa ang pagbili ng machine.
galeng mo nman dami mong gustong matutunan.
ssshh secret natin to hah….di ako marunong manahi kahit sa kamay lang. kahit magkabit ng bitones lang…hehehe
sige try mong manahi, post mo nlng ang una mong magagawa.
[Reply]
7 February 2007, 8:34 pmyorokobee:
aba! first honor si BEE*.*
[Reply]
7 February 2007, 8:36 pmghee:
2nd honor naman ako!
ang mahal na kasi ng mga damit ngayon eh.
pero,magastos na rin daw ang manahi sabi ni mother ko dahil mahal na rin ang mga materyales.
sabi nga ng hubby ko:prof na mananahi si Nanay,bakit di raw ako marunong?LOL!
natuto ako noon pero di ko yata hilig
basta naman ginusto natin,kayang pag aralan db?
[Reply]
8 February 2007, 12:58 amjho:
Diba when we were in HS we were told to make a quilted (tama ba yung spelling???) bag? Kasi yun ang uso noon. I remember making my own using my mom’s sewing machine (yung de pedal pa), pero nun nakita ng mom ko yung ginawa ko, she was disappointed so niretoke nya yung project ko. HEHEHE.
My mom know how to sew. Mga curtains namin sa bahay siya lang ang gumagawa. Minsan when we a patch job sa mga damit, siya ang takbuhan namin.
[Reply]
8 February 2007, 5:17 amTIKEY:
Ako marunong manahi.. ung straight lang! nyahah! marunong kc ang Mama ko, napapanood ko sya, pero tamad na syang manahi ngaun. nabili nalang sya..
dati kc ako gawa ng damit para sa doll ko.. kaya hayun.. ako na ngayon ang nag aadjust ng mga damit ko kung kelangan i adjust…
Pero di ako marunong gumawa ng buong damit.. Tube lang kaya ko! nyhahah!
[Reply]
8 February 2007, 7:34 amEra:
hi cess, magandang hobby ang sewing esp if you’re creative. ang daming pwedeng gawin tlaga. i want to learn that also.
i think, sewing is not a lost art here in oz, kasi most na sahm dto are always on craft and because clothes prices here are very hefty, as in… mums are compelled to learn to sew in preps for the school activities ng mga anak. that’s why gusto kong matuto dn. hehehe. at maraming makina na tinitinda dto.
tsaka maaaliw ka talaga esp if the result is really superb. cge, mag-aral ka
and share your talent here.
[Reply]
8 February 2007, 7:39 amrems:
usapang tahian pala dito, at lam mo ba marunong ako hehehehh..
may de pedal ding makina si nanay kaya natuto akong manahi, simple house dress ni mik, short ni intan, kaya kong tahiin at maski mag adjust ng mga slacks ko nagagawa ko rin.
yung mga curtains madali ring gawin, table and appliances covers, ok rin lang. ang mahirap ay ang bed sheet kase ang daming burloloy kaya di ko pa nata try.
kaya nga minsan gusto ko nang maging sta-at-home mom para magawa ko ang mga gawaing gusto kong magawa.
[Reply]
8 February 2007, 8:23 amlady cess:
hi bee - eto ang isang gold medal! tada!
ok lang kahit hindi ka marunong, marami ka namang pambili ng bagong damit e
hi ghee - eto ang silver medal! tada!
wow, professional ang mama mo? inggit naman ako. oo nga, ang mga nanay natin, pero tayo hindi, hahaha!
[Reply]
8 February 2007, 8:51 amlady cess:
hi jho - oo, natatandaan ko yung bag. pero hindi ako ang gumawa noon
si mama ko. hehehe.
hi tk - uy, ok ka pa rin - marunong ka kaht paano. ako talagang walang alam. marunong ka pala ng tube - sample naman dyan, post mo sa blog mo!
hi princess - ay, nakakatuwa naman dyan. gusto ko rin matuto para na lang ang gagawa ng mga costume ng anak ko, kasi mahal din ang charge dito pag pa-sadya. pero buti pa dyan, maraming makina na available.
hi rems - wow! napatayo ako at napapalakpak! kamukha mo na si liezl sicangco, marunong ka pa manahi
hay naku, wish kong marating ang kakayahan mo.
[Reply]
8 February 2007, 8:56 amAnn:
Alam mo ba na mag eenroll pa sana ako sa pinas last vacation matuto lang nyan. Gusto ko kasing magtahi sana ng mga curtain. Hindi ko sya masyadong hilig pero bored kasi ako noon dahil wala pang blogging…hehehe.
[Reply]
8 February 2007, 10:53 amwendy:
Maniniwala ka ba kapag sinabi kong grade five pa lang ako ay marunong na akong manahi gamit ang sewing machine? Yes, I do!
At the age of 11 kaya ko ng manahi, kaya walang problema mom ko noon kapag natastas laylayan ng school uniform o nasira mga damit namin… ilang sipa lang ‘yun sa sewing machina tapos ang problema!
Kaya ko rin gumawa ng damit… kasi noong grade six, itinuro ‘yan sa amin. Pati pagka-gancillo itinuro kaya kong gumawa ng center piece sa gancillo *wink*
‘Yung barbie doll ng younger sis ko noong bata kami, ang daming damit na gawa ko lang din. Naalala ko pa, may nagpa-repair ng damit sa tita ko noon… bwahahaha ‘di ko rin alam, ‘yung telang gagamitin para sa pagre-repair ng damit, ginawa kong damit ng barbie doll… kaya ‘yun, galit na galit sa akin tita ko noon… nyahahaha…. *wink*
Opsss… haba ng post ko ah… *smile*
[Reply]
8 February 2007, 11:40 amRach:
Hi Cess. Sorry haven’t been able to visit for quite some time. I see you have moved. I like your new blog. The colors are very pleasing to the eyes.
Magaling din ang mom ko manahi. Meron din kami nung di pedal na makina. Pag may project ako na sewing parati ako nagpapatulong sa mommy ko. May disadvantage din yata kasi di ako natuto masyado manahi. Cross stitch nga lang yata ang alam ko kasi yun lang ang sewing project na nagenjoy ako.
Ngayon, pag may sira o punit ang damit ng anak ko, di ko man lang matahi kasi di ako marunong. Kahit nga maglagay ng butones, palpak ako. Mabuti nalang magaling din mother-in-law ko at may makina sila sa house kaya dinadala ko mga punit na damit ni Yohan sa kanya.
[Reply]
8 February 2007, 4:34 pmlady cess:
hi ann - hehehe, blogging is better ha? actually, naghahanap ako ngayon ng short course for sewing. gusto ko talaga.
hi wendy - wow! ang galing! taas ang kamay ko sa iyo.
hi rachel - glad to have you back. good thing your MIL is there to do repairs for you. mama ko rin nakasaklolo sa mga projects ko noon kaya siguro hindi ako marunong ngayon
[Reply]
8 February 2007, 5:23 pmkneeko:
ayos ah parang nanay ko rin nananahi sa luma niyang “singer machine”… tumatahi din ako minsan dun hehehe kaya lang zigzag ang labas…. hehehe
sa kamay na lang ako magsusulsi… ng ano ko hehhe damit na butas..
[Reply]
8 February 2007, 6:35 pmTIKEY:
Naku wag ng mag sample, matatakot ang mga fashionista! hihihi
[Reply]
9 February 2007, 8:03 amjuana:
noon natutunan ko sa school manahi pati cross stitch pero pag di na laging ginagawa nakakalimutan din. oo nga out nang hobby yan bihira na lang sa ngayong panahon ng di high tech at instant.
[Reply]
9 February 2007, 11:38 pmoccupation : SAHM » Blog Archive » prize?:
[...] Naku, hindi naman ako marunong magpintura. Pero mas lalo tuloy akong nagpu-pursiging kumuha na ng sewing machine, eventhough I have no idea how to operate it. At least pwede kong gawing project na maging bihasa [...]
10 February 2007, 10:48 amtekla:
ako marunong din manahi bukod sa itinuro sa skul nung hi-skul mananahi din nanay ko at may singer sa bahay. pero ng huminto na ang aking inay sa pananahi itimbak na lng sa aming silong yung makina tas pinagbenta na sa magbobote… laking galit ni nanay hehehe
may nabibili na ngayung electric at automatic sewing machine yung maliiit kaya pdeng pede mong gamitin.
[Reply]
10 February 2007, 12:29 pmlady cess:
hi teks - wow, marunong ka rin pala (bakit parang ako lang ang di marunong
. nai-imagine ko yung galit ng nanay mo,
siguro yung antigong style yun. ang hirap na humanap ng ganyan ngayon tapos naibenta sa magbobote lol!
[Reply]
10 February 2007, 12:51 pmMommyBa:
How I wish marunong ako manahi pero talagang wala akong masyadong hilig sa ganyan eh. Siguro nga kasi masyadong technical ang dating sa ‘kin ng sewing. ‘Di ko sya masyadong carry.
Pero super naiinggit ako sa mga magagaling at marunong manahi. Sana mabigyan ako ng konting talento o matutunan ko man lang pagdating ng tamang panahon.
[Reply]
19 February 2007, 7:50 pmmitch:
Naalala ko nung HS pa kami ng mga kapatid ko, na-bato ata ang tatay ko, naisip mag-aral manahi. Bumili pa talaga ng libro ng patterns at cuts. Tapos, sabi nya, siya daw tatahi ng uniforms namin. Pagkatapos ng tig-isang set para sa aming magkapatid, sabi nya, “Patahi na kayo sa labas. Ang hirap naman nito. Masakit na likod ko.” Hehehe.
[Reply]
14 June 2007, 3:35 pm